Sunday, April 6, 2014

PAPURI SA DIYOS



Hymnal SASMASSONGS/MISASMA, p. 36

Text: Bagong Misal (1982)

Music by Fr. J. Roel Lungay


Antipona:

Papuri sa Diyos sa kaitaasan

Congregation:

At sa lupa'y kapayapaan
Sa mga taong kinalulugdan niya
Pinupuri ka namin, dirangal ka namin
Sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin
Pinasasalamatan ka namin
Dahil sa dakila mong angking kapurihan

Panginoong Diyos
Hari ng Langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo
Bugtong na Anak
Panginoong Diyos
Kordero ng Diyos
Anak ng Ama

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa ka sa amin
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama
Maawa ka sa amin
Sapagkat ikaw lamang ang banal,
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang o Hesukristo ang kataas-taasan
Kasama ng Espiritu Santo
Sa kadakilaan ng Diyos Ama.
Amen

Text: Bagong Misal (1982)
Music by Fr. J. Roel Lungay, Copyright © 1982
SASMA, Tagaytay City





No comments:

Post a Comment